Apocalypse International Ministry SEC Reg. No. NOCN200727911  
 
  8th serye KARUNUNGAN NG DIYOS 01/18/2025 5:09am (UTC)
   
 
Ang Dalawang Karunungan ng Diyos
(Pang Walong Labas)
         
          Bagamat ang Tagong Karunungan ay malaki, ang kaalaman tungkol sa Santisima Trinidad ito’y nanatili pa ring malabo sa karamihan dahil iilan lamang ang nakakaintindi nito sa kadahilanang ang tunay lamang na utos ng Diyos ang pwedeng gumawa sa maliwanag napagpaintindi sa ganitong mga bagay. Ang Santisima ay sila ang may dala ng numero 22, 23 at 24 dibisyon ng Espiritual.
          22. MAGUGAB – Ang espiritong ito ay nagpepresenta bilang Diyos Ama, na ang sabi ng iba ay siyang unang persona sa Santisima Trinidad. Subalit bilang Diyos na Ama hindi ibig sabihin na siya ang Infinito Diyos, kundi ibinigay lamang sa kanya ang karapatan at tungkulin na nagpakilala bilang Diyos Ama. Siya ang binigyan ng pagdesenyo sa mundo at sa lahat na nilalaman nito gaya ng iba-ibang uri ng mga lumilipad sa himpapawid o mga gumagapang sa lupa, lalong lalo na ang tao. Ang taong karunungan ay nagsalaysay na hindi lamang sila Adan at Eva ang tao na ginawa ng Diyos, ito’y maraming uri at lahi. An kasalukuyang panahon ay makapag-patunay nito. Ang nakatala sa Bible History ay si Adan at Eva ay mayroong kayumanggi ang kulay, sa mga panahong ito mayroong tayong limang uri ang kulay ng mga tao sa sanlibutan, gaya ng pula na sila ang mga tao na kinakataguriang mga “Indian” ang dilaw naman ang mga lahi ng Intsik, Hapon, Koreano at sa mga kalapit nilang mga bansa, ang itim ay ang mga Negro na maski sa Pilipinas ay mayroon tayong mga itim na tao gaya ng mga Kungking na mga nitibo sa probinsiya ng Surigao, ang mga puti ay mga Amerikanoat tayong mga Pilipino ay naalinsunod sa kulay ni Adan at Eva na kulay kayumanggi.
          23. MARIAGOB – Ang espiritong ito ay ang kinakataguriang pangalawang persona sa Santisima Trinidad, taglay niya ang kabuuan ng Diyos Anak na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay nagaganap an mga misteryo at katuparan sa mga Gawain ng Panginoon Jesucristo. Siya ang espiritong sumasakatawan ng ating Panginoon upang nagligtas sa bawat nilalang na tumatanggap at naniniwala sa Kanya. Ang katawan ng tao ay patay kong wala ang espiritong namamahay nito, kaya sa oras na iiwan ng espirito ang katawan, ito ay namamatay.
          Ang espiritong sinabi dito ay siyang pumapasok sa bawat katawan ng taong utos ng Diyos na kung tawagin noong panahon ay “Kordero ng Diyos.” Sa bawat panahon ay mayroon taong utosan ng Diyos, subalit karamihan sa kanila ay hindi pinaniwalaan sa mga tao, gaya ni Jesucristo noong panahon ng kanyang pagmisyon dito sa ibabaw ng lupa iilan lamang ang naniniwala sa kanya, bagamat siya’y kinagigiliwan at linoluhuran sa ngayon, noon ay siyan inaalimura sa karamihan.
          Sang-ayon sa talaan ng mga Salita sa Biblia ay ganito: ANG CRISTO AY SALITANG GRIEGO NA ANG KAHULUGA’Y “PINAHIRAN”, AT KATUMBAS NG “MESIAS” SA WIKANG HEBREO. “PINAHIRAN NG LANGIS ANG SINUMANG ITINALAGA SA ISANG TANGING GAWAIN. SI JESUS AY TINAWAG NA CRISTO SAPAGKAT SIYA ANG PINILI NG DIYOS NA MAGING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON.” Sa mga salitang ito ay nagpapatunay lamang na hindi iisa ang cristo dahil ang Biblia mismo ang nagsasabi na mayroon pang ibang tagapagsalita maliban ni Jesucristo. Sa Gawa 7:35 ganito ang nakasulat: “ITINAKWIL NILA SI MOISES NANG KANILANG SABIHIN, “SINO ANG NAGLALAGAY SA IYO UPANG MAGING PINUNO AT HUKOM NAMIN? NGUNIT ANG MOISES DING ITO ANG SINUGO NG DIYOS BILANG PINUNO AT TAGAPAGLIGTAS, SA TULONG NG ANGHEL NA NAGPAKITA SA KANYA SA MABABANG PUNONG KAHOY.”  Sa puntong ito si Moises ay Cristo rin dahil nakasulat na siya’y sinugo at tagapagligtas din. Maliban kay Moises marami pa gaya ni Haring David, Haring Solomon, Samson, Abraham at iba pa.
          Sa Juan 1:18 ganito ang sinabi: “KAILANMA’Y WALANG NAKAKITA SA DIYOS, SUBALIT IPINAKILALA SIYA NG BUGTONG NA ANAK…. SIYA’Y DIYOS NA LUBOS NA MINAMAHAL NG AMA.” Maliban sa talatang ito, marami pang naisulat sa Biblia na nagsasabi tungkol sa “Bugtong na Anak”, na sang-ayon sa mga mananampalatayang Kristiano ay si Jesucristo lamang ang Bugtong na Anak. Subalit ang ibig sabihin dito ay “Bugtong na Anak sa Bawat Panahon.” Sa bawat panahong mayroong sinugo ang Diyos ay ito’y matatawag na bugtong na anak, dahil kung tingnan natin ang Biblia hindi kailanman ang Diyos nagsugo ng dalawa katao sa isang panahon, bawat sinugo ng Diyos ay magkaiba ang panahon, kaya’y ang lahat na sinugo ng Diyos ay matatawag na Bugtong na Anak.
          Kaya ang espiritong nakatalaga sa pang 23 na dibisyon sa Espiritual ay siyang nagiging at magiging espirito sa lahat ng taong sinugong Diyos na kung tawagin ay “Diyos Anak” ay tagapagligtas.
          24. MAGUB – Ito ang kinakatagurian na pangatlong persona ng Santisima Trinidad bilang Espiritu Santo, siya ang gaganap upang maisagawa ang bagay na dapat mangyari sa mga panahong ito, dahil sa kanyang kapangyarihan ay mabubuo at matutupad ang mga pangako ng Infinito Diyos sa mga Tao. Gaya ng hindi pagkaisa ng mga tao tungkol sa paniniwala ng Panginoon, sila’y sumasampalatayanan tiyak ay mayroong Panginoon, subalit hindi pareha ang kanilang sistema sa pagsamba ng Diyos na iisang Biblia lang naman sana ang kanilang pangarap na kaligtasan sa buhay. Bakit magkaiba ang kanilang pananaw at enterpretasyon sa Biblia? Dahil wala sa kanila ang espirito sa katutuhanang ipinangako ni Cristo. Sa Roma 10, 13, 14 at 15 nakasulat ang pagpahiwatig tungkol sa tunay na sinugo ng Diyos, ganito ang sabi: “SAPAGKAT SINABI SA KASULATAN, ”MALILIGTAS ANG LAHAT NG TUMATAWAG SA PANGALAN NG PANGINOON”, NGUNIT PAANON TATAWAGAN NG MGA TAO ANG HINDI NILA SINASAMPALA-TAYANAN? PAANO SILANG MANANAMPALATAYA KUNG WALA PA SILANG NAPAKINGGAN TUNGKOL SA KANYA? PAANO NAMAN SILANG MAKAKAPAKINIG KUNG WALANG NANGANGARAL? AT PAANONG MAKAPANGARAL ANG SINUMANG KUNG HINDI SIYA ISINUSUGO? AYON SA NASUSULAT, OKAY INAM NA MAKITANG DUMARATING ANG MGA NAGDADALA NG MABUTING BALITA.” Sa talatang ito, maliwanag na ang tunay lamang na sinusugo ng Diyos ang makapagbigay sa tunay napaliwanag tungkol sa Diyos. Sa panahong ito ay magulo sa dami ng umaangkin, sino kaya sa kanila ang tutuo? Ito’y napakalungkot na katutuhanang hindi puwedeng tanggihanan.

          Abangan ang palalim na palalim na pagbubulgar sa tagong kasaysayan, bihira mo lang itong matagpuan ! ! !

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Create Yours @ NackVision.com
 
ISAIAH 37:32
For out of Jerusalem shall go forth a remnant, and out of Mount Zion survivors. The Zeal of the LORD of hosts shall perform this
 

Get your own Chat Box! Go Large!
 
SMART SUBSCRIBERS +639212939975
+63920871113

TOUCH MOBILE SUBSCRIBERS
+639068873280

GLOBE SUBSCRIBERS
+639274953023

look for Bro.DODONG, Bro. EDUARD, Bro. LANDO

This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free