Apocalypse International Ministry SEC Reg. No. NOCN200727911  
 
  7th serye KARUNUNGAN NG DIYOS 01/22/2025 1:42pm (UTC)
   
 
Ang Dalawang Karunungan ng Diyos
(Pang Pitong Labas)
 
          10. ALPACOR – Ito ang ginagawang kalihim ng Siete Arkanghelis sa buong universo, siya sa pangalang San Gabriel na kung saan ay tagatala sa lahat ng nakatagong kababalaghan sa buong sanlibutan at kalawakan, sa Biblia naitala ang pangalan Gabriel, sa lumang testamento sa sulat ni Daniel Kapitulo 9 Bersikulo 21 ganito ang sabi: “AT HABANG NANANALANGIN AKO, ANG LALAKING SI GABRIEL NA NAKITA KO SA UNANG BAHAGI NG AKING PANGITAIN AY MABILIS NA LUMIPAD SA AKIN SA ORAS NG PAGHAHANGOD SA GABI.” At sa bagong tipan naman ay ganito ang nakasulat sa Lucas 1:26: “NANG IKAANIM NA BUWAN NA NG PAGDADALANTAO NI ELISABET, ANG ANGHEL GABRIEL AY SINUGO NG DIYOS SA NAZARET GALILEA.
          Si Gabriel ay nakatalagang magbantay tuwing ika-10 ang oras sa umaga sa bawat araw, maliban doon siya pa rin ang tagabantay sa bawat araw ng Lunes, kaya sa mga nakakaalam nito, mabuti daw siya ang tawagan sa araw na ito upang ligtas sa lahat na kapahamakan.
          Marami din ang sumasampalataya kay Anghel Gabriel gaya ni Miguel. May naggunita sa kanya sa pamamagitan ng kapistahan ito ang mga nagdibuto sa kanya. Sa kultong grupo naman ay ang kanyang pangalan ay ginagamit nila ito sa pagdepensa sa sarili at umaasa sila sa kaligtasan lalong-lalo na sa digmaan. Ito ang panawag ni Anghel Gabriel, ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDEMEM IMPARTIENDO.
          11. AMACOR – Ito ang prinsipe ng anghel ng hukom at siya rin ang nagbibigay sa biyayang pangkalangitan na kung saan ay siya pa rin ang Mayordomo ng Infinito Diyos. Ang anghel na ito ay kilalang-kilala sa pangalang San Rafael, siya ang taga-bantay sa oras na alas 11 sa umaga sa bawat araw at Martes naman ang kanyang binabantayan na araw sa bawat linggo, kaya dapat siya ang tawagin mo sa araw na ito upang ikaw ligtas sa mga kapahamakan. Ganito ang panawag ni Angel Rafael: ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORISE ET ANIMAE.
          12. APALCO – Ito ang anghel na ginawang Hustisya Mayor sa langit, ito ang punong administrador sa mga bagay pangkalangitan at tagapag-rekomenda sa Diyos ng kaparusahan na dapat gagawin, siya rin ang taga-bigay ng karunungan upang magagamit ang kaluluwa at katawang lupa ng tao. Ang anghel na ito ay nakikilalang si San Uriel na nakatalaga sa pagbabantay sa oras ng alas 12 ng tanghali at siya rin ang tagapagbantay sa mga araw ng Mierkules, kaya dapat siya tatawagan sa araw na ito upang maligtas sa ano mang sakuna. Ganito ang pagtawag sa kanya. ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO MIHI PROTECTOR.
          13. ALCO – Ito ang espiritong taga-hain o taga-panalangin sa Diyos ng ano mang magaling na gawa ng tao, siya rin tumatanggap at tagabigay alam sa makataong pangangailangan, patungkol sa Diyos. Ang anghel na ito ay nakilalang si San Seatiel na siyang bantay sa araw ng Huebes at oras na tuwing ala una ng hapon araw-araw, kaya dapat siya ang tawagan sa araw na ito: Ganito ang pagtawag sa kanya: LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM PECCATORIUM MIHI PULORUM.
          14. ARACO – Ito ang espiritong ginawang ingat-yaman at biyaya, siya ang humahawak ng susi upang maibigay ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos. Ang anghel na ito ay nakilala sa pangalan San Hudiel, ang taga biyaya at tagapagloob ng awa ng Diyos. Siya rin ang naatasang magbabantay sa araw ng Biernes, kaya siya dapat ang tawagan sa mga araw na ito. Ganito ang pagtawag sa kanya: CRUCEM PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM ESTO MIHI UMBRACULOM ET FACME ISSIDUM INCOMPETENDO DOMINO.
          15. AZARAGUE – Ito ang espiritong tagapag-alaga ng Langit at Lupa, at siya ang taga tulong at taga-ampon sa lahat na espiritong nasasakupan ng Infinito Diyos. Ang pangalan niya ay kilala sa tawag na San Baroquiel ang bantay sa oras ng alas 3 ng hapon sa bawat araw at naatasang magbabantay din tuwing araw ng Sabado, kayua siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito. Ganito ang pagtawag sa kanya: AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE OBTIMIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME NUMQUAM SEPARARE A DEO.
          Si San Baraquiel ay ang pinakahuli sa Siete Arkanghelis na kilalang pitong mandirigma ng Diyos Ama. Maraming nakasulat sa kanilang mga kasaysayan na hindi naisulat sa Biblia, subalit ito’y nakaabot din sa kaalaman ng tao sa pamamagitan ng mga profeta na siyang sadyang sumulat ng mga ito bilang tago ng karunungan upang mapanatiling bahal sa tunay na mananampalataya. Ang Siete Arkanghelis ay subok na sa katatagan at katanyagan, marami ang kuwentong nagpapatunay nitong lalong-lalo na sa mga kultong grupo, daan-daan na ang mga taon ng mga ito sa paggamit sa wikang nakatago ng Siete Arkanghelis na kung saan ay kinakatagurian. “Anting Anting” na lumigtas ng buhay panahon sa mga sakuna at digmaan. Hanggang sa ngayong panahon ito nanatili pa rin ang walang kupas na pananalig sa mga taong nabubuhay lamang sa pag-asa ng tagong karunungan ng Diyos upang makamit ang minimithiing kaligtasan.
          16. LUXBEL – Ang espiritong ito ay ang pinakabunso sa mga espiritong unang gawa ng Infinito Diyos. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “Liwanag n Langit” dahil siya’y pinakamalapit sa Diyos. Nang ang Diyos ay mag-umpisa na ang kanyang paglalang, bininyagan siya ng pangalang BECCA, subalit sinuway nito ang Infinito Diyos kaya pinangalan siya nito muli ng LUXQUER o LUCIFER sa ating salita.
          Ang kasaysayan ni Lucifer ay matutunghayan sa isang Aklat na Tago, ang aklat na ito ay pinamagatang DIES MUNDOS (Pangsampung planeta). Sa aklat na ito ay matatagpuan ang iba-ibang uri ng bawal na karunungan gaya ng pangkukulam, malik mata, pang-gagayuma at marami pang iba, kaya dinidismaya ang sino mang magkaroon nitong uri na libro dahil ito ay sanhi ng pagkakasalang walang kapatawaran sa Panginoon.
          17. ISTAC 18. INATAC 19. ISLALAO 20. TARTARAW at 21. SARAPAO – Ang limang espiritong ito ay hindi nabinyagan at hindi tumanggap ng tungkulin, kaya noong si Panginoong Jesucristo ay kasalukuyang nakabayubay ng krus, ang mga ito ay lumapit upang sana ay magpabinyag, subalit hindi nangyari ang gusto nila dahil sa mga oras na yoon ang ating Panginoon Jesus ay nalagutan ng kanyang hininga.
          Ang huling tatlo ay kinakataguriang SANTISIMA TRINIDAD na sa kaalaman ng marami ay Sila ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ang paliwanag ng mga sektang grupo tungkol ditto ay malabo, maski na ang pinakamalaking relihiyon ay walang malinaw na paliwanag at ang nangyari ay ginawang panatiko nila ang mga kanilang nasasakupan upang kahit mali ang kanilang mga paliwanag ay paniwalaan sila ng mga ito.
          Ang salitang Santisima Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, subalit nagbanggit ito ng Ama, Anak at Espiritu Santo, ganito ang sabi sa Mateo 28:19: “KAYA HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.” Ang tatlong ito ay pinaniwalaan ng marami ahit kulang ang kanilang kaalaman tungkol dito.
          Abangan muli ang palalim na palalim na pagbubulgar sa tagong kasaysayan, bihira mo lang itong matagpuan! ! !
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Create Yours @ NackVision.com
 
ISAIAH 37:32
For out of Jerusalem shall go forth a remnant, and out of Mount Zion survivors. The Zeal of the LORD of hosts shall perform this
 

Get your own Chat Box! Go Large!
 
SMART SUBSCRIBERS +639212939975
+63920871113

TOUCH MOBILE SUBSCRIBERS
+639068873280

GLOBE SUBSCRIBERS
+639274953023

look for Bro.DODONG, Bro. EDUARD, Bro. LANDO

This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free