Apocalypse International Ministry SEC Reg. No. NOCN200727911  
 
  6th serye KARUNUNGAN NG DIYOS 01/18/2025 4:52am (UTC)
   
 
Ang Dalawang Karunungan ng Diyos
(Pang Anim na Labas)
 
          Nang mabuo na ang 24 Ancianos, ito'y binigyan ng kanya-kanyang pangalan na kung halungkatin ang tagong kasaysayan ang mga ito'y nagtatangan sa mahiwagang kapangyarihan na sang-ayon pa, sino man ang makaalam nito dito sa lupa ay mapalad doon sa daigdig ng mga espirito. Ito ay kanilang mga pangalan: UPHMADAC, ABONATAC, ELIM, BORIM, MORIM, BICAIRIM, PERSALUTIM, MITIM, AMALEY, ALPACOR, AMACOR, ALPALCO, ALCO, ARAGO, AZARAGOE, LUXBEL, ISTAC, INATAC, ISLALAO, TARTARAO, SARAPAO, MAGUGAB, MAIAGOB at MAGOB. Ang mga ito ay ang pinakaunang pangalan naihayag sa mga taong nag-aaral sa tago na kaalaman ng Diyos. Maliban dito marami pa, sa bawat paglalang na magaganap, ang 24 Ancianos ay magkaroon ng panibagong pangalan.
          Isa sa mga tungkulin ng 24 Ancianos ay ang pagbantay sa mga oras sa bawat araw, ang pinakauna ay siyang nagbabantay sa oras ng Ala una, at hanggang sunod-sunod ang mga ito hanggang matapos ang eksaktong 24 oras sang-ayon sa kani-kanilang numero. Sila rin ang tagamasid ng lahat na ginagawa o gawain ng mga tao sa lupa ito'y maging tama o magiging mali man, kaya ang mga kasalanan ng tao ay walang ligtas sa Panginoon dahil dito.
          Sa huling aklat ng Biblia, sa Pahayag, binabanggit ang 24 Ancianos, Pahayag 11:16 ganito ang sabi: "AT ANG DALAWAMPU'T APAT NA MATATANDANG NAKAUPO SA KANI-KANILANG LUKLUKAN SA HARAPAN NG DIYOS AY NAGPATIRAPA AT SUMASAMBA SA KANYA." Sa tagong kasaysayan naman ay ang 24 Ancianos ay laging nakapaligid ang mga ito sa Infinito Diyos. Maraming misteryo ang mga ito na hindi kayang abutin sa kaisipan ng makalupang aralin.
         
MGA TUNGKULIN NG 24 ANCIANOS
           1.      UPHMADAC - Ito ang pinakaunang espirito sa 24 Ancianos, maliban sa pagbabantay sa unang oras o ala una ng madaling araw, siya ang nagdesinyo ng Araw sang-ayon ng tungkuling ibinigay sa kanya ng Infinito Diyos. Gumawa siya ng maraming desinyo at ito'y inipresenta niya sa kanyang mga kasamahan at sa Panginoon, at pumili sila at napagkaisahan nilang lahat ang hugis o hitsura ng araw na siyang nagbibigay liwanag sa mundo sapul pa noon hanggang sa kasalukuyang panahon at sa darating pa.
          2. ABONATAC - Ito ang pangalawang espirito ang siyang gumawa ng desinyo upang magkaroon ng Buwan na siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa panahon ng gabi. Ganoon din ang ginawa niya, marami ring desinyo at ang mga ito'y inipresenta sa kanyang mga kasamahang sa 24 Ancianos at sa Infinito Diyos, at kanilang napagkaisahan ang hitsura ng buwan na nasa kasalukuyang panahon natin ngayon.
          3. ELIM   
          4. BORIM         
          5. MORIM
          6. BICAIRIM    
          7. PERSALUTIM      
          8. MITIM
          - Ang mga espiritong ito ay hindi tumanggap ng katungkulan, kaya ang kanilang ginawa ay ang paglagalag lamang labas pasok sa mundo. Bagamat sila'y tagabantay ng Diyos at sa oras na kung saan naman sila natatapat sa kanilang mga numero.
          9. AMALEY - Ito ang pangulo at unang ministro sa mga arkanghelis na mandirigma. San Miguel ang tawag sa kanya ng mga sektang grupo. Sa kanyang balikat nakasalalay ang pakikipaglaban sa mga masasama upang magkaroon ng katiwasayan sa lupa at sa langit din.
          Ang pangalang Miguel ay nakasulat ito sa Biblia, gaya ng sa Daniel 12:1 ganito ang sabi: "SA PAGKAKATAONG YAON, DARATING SI "MIGUEL", AT MAGKAROON NG MATINDING KAHIRAPANG HINDI PA NANGYAYARI KAILANMAN. NGUNIT MALILIGTAS ANG MGA KABABAYAN MONG ANG PANGALAN AY NAKASULAT SA AKLAT NG DIYOS," sa Pahayag 12:7 ganito naman ang pagkasulat: "PAGKARAAN NITO'Y SUMIKLAB ANG DIGMAAN SA LANGIT! NAGLABAN SI ARKANGHEL MIGUEL, KASAMA ANG KANYANG MGA ANGHEL, AT ANG DRAGON, KASAMA NAMAN ANG KANYANG MGA KAMPON."
          Si Miguel ay nakatalagang magbabantay sa pang-siyam na oras sa bawat araw, maliban doon siya pa rin ang tagapagbantay sa unang araw sa bawat linggo, ito ang araw ng linggo, kaya sa kaalamang tago, dapat daw si Miguel ang tawagan sa mga araw na ito upang maiiwasan ang ano mang sakuna o mga pangyayaring hindi mangyari.
          Ang bansang Pilipinas ay maraming naniniwala kay San Miguel, ito'y maging sa sektang grupo at sa mga nasa kultong grupo. Maraming simbahang malalaki at maliliit man ang mga ito ay nagdiriwang sa kapistahan ni San Miguel sa bulan ng September, sa panahong ito ay gumagawa sila ng mga bagay na ikinalulugod daw sa kanilang kaligtasan lalong lalo nasa panahon ng digmaan, marami silang mga salitang latin na binibigkas na pag-aari daw ni San Miguel na siyang pinaniniwalaang mga anting-anting upang magiging matagumpay sa larangan ng labanan. Siya rin ang espiritong tagahatid balita at mensahero ng Infinito Diyos sa buong kalangitan. Ganito ang panawag ukol ni anghel Miguel: ESTO MIHI BALTEUS ET DAMIHI PRODEO ET IN DEO MORI.

          Abangan ang palalim na palalim na pagbubulgar sa tagong kasaysayan, bihira mo lang itong matagpuan! ! !

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Create Yours @ NackVision.com
 
ISAIAH 37:32
For out of Jerusalem shall go forth a remnant, and out of Mount Zion survivors. The Zeal of the LORD of hosts shall perform this
 

Get your own Chat Box! Go Large!
 
SMART SUBSCRIBERS +639212939975
+63920871113

TOUCH MOBILE SUBSCRIBERS
+639068873280

GLOBE SUBSCRIBERS
+639274953023

look for Bro.DODONG, Bro. EDUARD, Bro. LANDO

This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free