Ang Dalawang Karunungan ng Diyos
\r\n
(Pang Ika-limang Labas)
\r\n
\r\n
Sa Biblia ang salitang Santisima Trinidad ay hindi nakasulat, subalit sa Mateo 28:19, ito ang sabi: “BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO”. Sa talatang ito ay inutos ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad na bautismuhan ang mga tao sa pangalan ng Santisima Trinidad subalit hindi naisulat sa biblia kung ano ang mga pangalan na tinutukoy ng Panginoon. Sa tagong karunungan ay marami ang pangalan ng tatlong persona, gaya ng: ARAM – pangalan ng Ama, AKDAM – sa Anak at AKSADAM – sa Espiritu santo. ADRA – sa Ama, MADRA – sa Anak at ADRADAM – Sa Espiritu Santo. Sa mga sektang grupo mayroon silang binabanggit na salita lagi bilang pasasalamat ng Panginoon at ito ay ang “ALELUYA,” ang salitang ito ay isa lamang sa napakaraming pangalan ng Santisima Trinidad ito ay hango sa salitang AL EL UYA ibig sabihin ay pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Kaya dito nagsimula ang dibatihan ng mga sektang grupo, lumalabas ang kanya-kanyang panindigan subalit hanggang sa mga oras na ito nananatiling wala pa ring tamang kasagutan ang hindi nila pagkaunawaan. May mga sektang grupo na pinapaniwalaan ang Santisima Trinidad subalit karamihan ay hindi, at sa mga naniniwala nito, ang Santisima Trinidad ay iisang Diyos sa tatlong persona. Kung ating siyasatin naman hindi aabot sa tatlong persona kundi iisa lamang ang anak na walang iba maliban ni Panginoon Jesucristo. Sa Biblia ay walang binanggit na mayroong persona ang Diyos Ama at Diyos Espiritu, maliban sa Diyos Anak na sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo ay nagkaroon ito, kaya kung ating tunghayan ang Santisima Trinidad ay nag-iisa lamang ang persona nito. Subalit sa mga kultong grupo ang tatanungin, sila\'y naniniwala na ang mga ito ay mga diyos rin at hindi sa Santisima Trinidad lamang kundi sa buong kaantabay ng Diyos ay mga diyos rin. Ganito ang sabi sa biblia, Awit 136:2: “PINAKADAKILANG DIYOS NG MGA “diyos” AY PASALAMATAN,, ANG PAG-IBIG NIYA AY MANANATILI AT PANGWALANG-HANGGAN”. Makikita natin na may diyos dito na maliit, ang pagkasulat, ang diyos na ito ay ang mga espiritung kaantabay ng Panginoon sa lahat niyang mga gawain kasama na rito ang Santisima Trinidad, pati na rin ang mga taong inuutusan ng Diyos dito sa lupa na kung saan ay kinikilala rin bilang panginoon sa lahat niyang mga taong nasasakupan, gaya ni Moises, Haring David, Haring Solomon at mga iba pa. Sa Pahayag 17:14, may sinasabi na ganito: “DIRIGMAIN NILA ANG KORDERO NGUNIT SILA\'Y TATALUNIN NITO, SAPAGKAT SIYA ANG PANGINOON NG MGA “panginoon” AT HARI NG MGA “hari” MAKIKIHATI SA KANYANG TAGUMPAY ANG MGA TINAWAG HINIRANG AT TAPAT NIYANG TAGASUNOD”. Ganoon din sa Juan 10:34 at 35. Ganito ang sinabi ni Panginoon Jesucristo: “TUMUGON, SI JESUS, HINDI BA NASUSULAT SA INYONG KAUTUSAN, SINABI KO, MGA “diyos” KAYO? MGA “diyos” ANG TAWAG NG KAUTUSAN SA MGA PINAGKATIWALAAN NG SALITA NG DIYOS, AT HINDI MAAARING TANGGIHAN ANG SINASABI NG KASULATAN.”
\r\n
\r\n
Kaya karamihan sa mga kultong grupo ay naniniwala na tutuong nag-iisa lamang ang “Diyos” subalit marami ang mga diyos o diyoses gaya ng kani-kanilang mga pinuno bilang utos ng Diyos dito sa lupa. Sa parting ito, dito nagsimula ang mga kultong grupo sa paniwalang ang kanilang pinuno ay diyos din at hindi mo rin sila masisisi.
\r\n
\r\n
Dagdag pa nito ay nakasulat din sa Pahayag 1:5, ganito ang sabi, “AT MULA KAY JESUCRISTO, ANG TAPAT NA SAKSI, ANG UNANG NABUHAY SA MGA PATAY AT HARI NG MGA “hari” SA LUPA.” Maliwanag na hindi nag-iisa ang Panginoon ganoon din ang Hari, subalit iisa lang ang pinaka-Panginoon at iisa rin ang pinaka-Hari. Si Jesucristo ay nakatakdang maghahari at maging Hari sa mga hari at Panginoon ng mga panginoon dito sa lupa subalit, ang sinasabing Diyos ng mga diyos ay walang iba kundi ang mahal na Amang Infinito Diyos, Diyos na walang simula at walang hanggan.
\r\n
\r\n
Abangan ang palalim na palalim na pagbubulgar sa tagong kasaysayan, bihira mo lang itong matagpuan.! ! !