Ang Hayag at Tagong Karunungan ng Diyos
(Pang Ika-Tatlumpu’t Apat na Labas)
Ang mundo ng mga Cristiano ay nagdiwang sa semana santa bilang ala-ala sa pagpasakit ng Panginoon Jesucristo na ipinako ng krus dalawang libong taon na ang nakakalipas. Ang mga mananampalataya ng dalawang klasing karunungan ng Diyos (Tago at Hayag) ay nagkakaisa sa ganitong panahon.
Bilang pakiisa sa pagdiriwang ng semana santa, ating tatalakayin at tunghayan ang nakatagong kwento patungkol sa kahoy na krus na pinagpakoan ng Panginoong Jesus doon sa bundok ng kalbaryo. Ang estoryang ito ay nagsisimula pa noong nabubuhay pa si Adan ang unang taong ginawa ng Diyos sang-ayon pa sa Biblia.
Ang unang tao sa lupa ay si Adan at Eva. Pinatira sila ng Diyos doon sa lugar na tinatawag nilang paraiso, na kung saan sa umpisa ay wala silang karamdaman. Ngunit dahil nga sa tukso, sila ay pinaalis ng Diyos sa paraiso.
Kaya nagppakalayo-layo sila, mula doon sa lugar na wala silang kasakit at karamdaman, naninirahan na lamang sila sa isang lugar kasama ang paghihirap sa pamamagitan ng pagpatulo ng pawis upang mabuhay. Nanganak sila ng dalawa si Kain at si Abel. Dahil sa inggit, pinatay ni Kain si Abel, dahil dito, lumayas si Kain sapagkat nagkasala siya sa Panginoon.
Nakaramdam ng subrang kalungkutan si Adan at Eva dahil sa mga pangyayaring yaon. Sila’y nanalangin sa Diyos na bigyan muli ng mga anak at ito’y natupad. Isa sa kanilang mga anak ay pinangalanang Set, ang Set na ito ay siyang naging katuwang ng mag-asawang Adan halos sa lahat nilang mga gawain.
Dumating ang panahon na si Adan ay nagiging sakitin, dahil sa katandaan, inutusan ni si Set na kumuha ng dahon ng kahoy doon sa paraiso upang gagawing gamut, ang pangalan ng kahoy na ito ay DEGNUM CRUCIS. Ngunit sa hindi kagustuhang palad si Adan ay namatay sa edad na 930 anyos.
Inilibing si Adan sa paanan ng bundok libano (dito nagmula ang pangalan ng bansang Libanon). Habang hinuhukay ang libingan ni Adan, ang Diyos ay nag-utos kay Anghel Gabriel sa paghatid ng sanga ng kahoy na nagmumula doon sa kahoy na pinagkukunan ni Set ng dahon noon at ginawa itong gamut ni Adan noong sakitin pa lamang ito.
Tinanggap ni Set ang sanga ng kahoy na ibinigay mula kay Anghel Gabriel at ito’y itinanim sa banding ulonan sa libingan ng kanyang amang si Adan. Lumipas ang maraming araw at taon, ang kahoy ng Degnum Crucis ay sumibol at tumubo at ito’y nagiging malaking kahoy.
Nang dumating ang 1656 taon mula noong namatay si Adan, dumating ang kapanahunan ni Noe, binaha ang mundo sa loob ng 150 araw, nilipol ng Diyos ang buong sansinukob, ngunit ang kahoy na ito ay patuloy sa pagtubong matibay at hanggang maraming taon na naman ang dumaraan nanatili itong mayabong.
Hanggang sa sumapit ang kapanahunan ni haring Solomon. Ang hari ay nakapag-isip na magtatayo ng templo bilang kanyang dalanginan at kasama na rin ang kanyang mga nasasakupan. Kaya inuutos niya sa kanyang mga tauhan na putulin ang kahoy ng Degnum Crucis upang gagawin itong haligi sa itatayong templo.
Subalit nang naputol na ang nasabing kahoy, hindi ito nagamit dahil sa kakulangan ng sukat, at dahilan siguro ito ng Diyos na ang kahoy na ito ay hindi para sa bagay na yaon. Ang hari nagpasya na itapon na lamang ang kahoy sa karagatan ng Adriatico. At naganap ang kagustuhan ng hari Solomon, ngunit ng ito’y maitapon na sa dagat, biglang napatunganga ang lahat, sapagkat sa isang iglap lamang naglaho ang nasabing kahoy na hindi nila malaman kung saan ito napunta, kung kaya’t nagsiuwian na lamang silang lahat na taglay pa rin ang laking gulat at pagtataka. ABANGAN ! ! !