Ang Hayag at Tagong Karunungan ng Diyos
(Pang Ika-Tatlumpu’t-tatlo na Labas)
Si Jesucristo ay bantog sa daming kababalaghang nagawa noong panahong yaon, nangyaring lumakad siya ng tubig, ipinahinto ang unos at ulan, pinakalma ang malalakas at malalaking alon, nagpalayas ng mga demonyo, pinarami ang isda at tinapay, pinagaling ang sari-saring mga sakit hanggang sa umabot pa na Siya ay bumuhay ng patay at marami pang kababalaghan hindi kaya ng isang taong pangkaraniwan lamang na gawin ang ganitong uri na mga gawain.
Sa mga panahong yaon, habang patuloy si Jesus ng kanyang mga ginagawang mirakulo, maingat ring nagmamasid ang Kanyang mga masusugid na tagasunod at napatunayan nila na si Jesus ay tunay na Anak ng Diyos. Bagamat sa ganoong mga pangyayari may iilan sa kanila ang hindi lubos na naniniwala sa Kanya gaya sa talatang ito: Mateo 14:28-31 ganito ang sabi: AT NAGSALITA SI PEDRO, PANGINOON, KUNG TALAGANG KAYO IYAN, PAPARIYANIN MO AKO SA IBABAW NG TUBIG. SUMAGOT SI JESUS, HALIKA, KAYAT LUMUNSAD SI PEDRO SA BANGKA AT LUMAKAD SA IBABAW NG TUBIG, PALAPIT KAY JESUS – NGUNIT NANG MAPANSIN NIYA ANG HANGIN, SIYA’Y NATAKOT AT NAGSIMULANG LUMUBOG. SAGIPIN NINYO AKO PANGINOON! SIGAW NIYA. AGAD SIYANG INABOT NI JESUS. NAPAKALIIT NG IYONG PANANALIG! SABI NIYA KAY PEDRO. “BAKIT KA NAG-ALINLANGAN?”
Ang karamihan ng mga Kristiyano ay lubos na umaasa kay Pedro sa likod ng mga nakasulat na siya’y hindi lubos na naniniwala kay Jesus gaya ng itinatatwa niya si Jesus noong siya’y tinanong kung kasamahan ba niya ito.
Sa sulat ni Mateo 28:19-20 mayroong iniuutos si Jesus sa Kanyang disipulos, ganito ang sabi: “KAYA HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITO SANTO, AT TURUANG SUMUNOD SA LAHAT NG IPINAG-UTOS KO SA INYO. TANDAAN NINYO, AKO’Y LAGING KASAMA NINYO HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANLIBUTAN.”
Isa sa mga ipinag-uutos ni Jesus ay ang pag-bautismo sa ngalan ng Ama, Anak at Espirito Santo, ngunit si Lucas ay mayroong isinulat na sermon ni Pedro sa Gawa 2:38 ganito ang sabi: SUMAGOT SI PEDRO, “PAGSISIHAN NINYO’T TALIKDAN ANG INYONG MGA KASALANAN AT MAGPABAUTISMO KAYO SA PANGALAN NI JESUCRISTO UPANG KAYO’Y PATAWARIN; AT IPAGKAKALOOB SA INYO ANG ESPIRITO SANTO.” Ang ipinag-utos na bautismo ni Jesus ay hindi sa pangalan Niya, kaya makikita nating hindi ito sinusunod ni Pedro, madaling sabi pagpapatunay lamang ito na si Pedro ay hindi loyal sa nag-uutos sa kanya.
Tunghayan natin ang mga iilan sa mga kababalaghang ginawa ni Jesus noong panahon na iyon. Sa Mateo 15:29-31 ganito ang sabi: “PAG-ALIS DOON, NAGBALIK SI JESUS SA TABI NG LAWA NG GALILEA, AT SIYA’Y UMAHON SA BUROL AT NAUPO. NAGDATINGAN ANG NAPAKARAMING TAO NA MAY DALANG MGA PILAY, BULAG, PINGKAW, PIPI AT MARAMI PANG IBA. INILAGAY NILA ANG MAY SAKIT SA HARAPAN NI JESUS AT KANYANG PINAGALING SILA. NAMANGHA ANG MGA TAO NANG MAKITA NILANG NAGSASALITA NA ANG MGA PIPI, GUMALING NA ANG MGA PINGKAW, NAKAKALAKAD NA ANG MGA PILAY, AT NAKAKAKITA NA ANG MGA BULAG AT NAGPURI SILA SA DIYOS SA ISRAEL.”
Sa tagong karunungan ng Diyos ay hindi ganya kadali ang pagpapagaling ni Jesus sa mga yaon, mayroon siyang ginamit na mga bagay gaya ng putik na inilagay sa mata ng mga bulag bago ito nakakita. Maliban sa ganoong mga pamamaraan, mayroon Siyang binabanggit na mga salita upang pagalingin ang mga sakit. Nang pinagaling ni Jesus ang mga sakit sang-ayon sa binanggit na nating talata sa itaas ay ganito ang Kanyang sinabi sa salitang Aramic Latin “CHRISTUS SANCTA-TRINITAS OMO DAUB JESUS” nang ito’y sabihin ni Jesus ang lahat ay gumaling. ABANGAN ! ! !