Apocalypse International Ministry SEC Reg. No. NOCN200727911  
 
  31th serye KARUNUNGANG NG DIYOS 01/18/2025 5:10am (UTC)
   
 
Ang Hayag at Tagong Karunungan ng Diyos
(Pang Ika-Tatlumpu’t-Isa na Labas)
 
          Matapos nagawa ni Jesus ang pag-aayuno (fasting) sa loob ng apatnapu’t araw at apatnapu’t gabi. Siya’y nagsisimula ng kanyang gawaing ipinagkaloob ng Diyos Ama, sa kanya bilang bugtong na Anak dito sa lupa.
          Kung ating pansinin ang mga ginagawa ni Jesus noong panahon na yaon sang-ayon ng banal na Aklat (Biblia) ay ating mababasa na tatlong uri ang mga ito, at ang mga ito ang PANGGAGAMUT, PAGTUTURO at ang PAGWAWALI.
          Ang panggagamut ni Jesus ay hindi lamang sa mga may sakit, ngunit pati na rin ang paggamut sa mga patay sa pamamagitan ng pagbuhay nito at higit sa lahat ang paggamut sa mga kaluluwang makasalanan sa pamamagitan ng paggabay nito sa tamang daan sa mga taong naliligaw ng landas. Si Jesus ay nagtuturo sa maraming bagay sa kanyang masugid na mga tagasunod subalit ang karamihang ng kanyang itinuturo ay hindi nailathala sa Biblia sa kadahilanang ito’y mga tago at sagradang bagay. At ang pagwawali ni Jesus ay ang naging sentro ng kasulatan na siyang nagiging pag-asa ng bawat taong bumabasa ng Biblia hanggang sa kasalukuyang panahon.
          Maraming nagawang kababalaghaan na naitala sa Biblia si Jesus ngunit ang pinakauna nito ay ang paggawa Niya sa alak sa isang kasalan na nagaganap sa Cana. Sa sulat ni Juan na naitala sa bagong tipan ay ganito ang sabi: Juan 1-2:1, 2, 3, 4 5. “PAGKALIPAS NG DALAWANG ARAW, MAY KASALAN SA CANA, GALILEA AT NAROON ANG INA NI JESUS. SI JESUS AT ANG KANYANG MGA ALAGAD AY NAROON DIN. KINAPOS NG ALAK KAYA’T SINABI NG INA NI JESUS SA KANYA “NAUBUSAN SILA NG ALAK” SINABI NI JESUS, “HUWAG NINYO AKONG PANGUNAHAN, GINANG! HINDI PA ITO ANG PANAHON KO.” SINABI NG KANYANG INA SA MGA NAGLILINGKOD, “GAWIN NINYO ANG ANUMANG SABIHIN NIYA SA INYO.” Kung ating punain ang mga talatang ito ay si Jesus nagsalita na hindi sa kanyang sarili, napapansin natin na ang kanyang ina ay tinawag niya itong “Ginang”, sa makatuwid hindi si Jesus ang mga salita kundi ang Espirito ng Diyos na sumasakanya.
          Ating ding napuna na ang ina ni Jesus ay nagbigay ng salita sa mga alagad ni Jesus na sundin ano man ang sasabihin nito. Madaling sabi naintindihan din ng ina ni Jesus ang kalagayan ng kanyang anak noong mga panahon yaon.
          Kaya si Juan 1-2:7, 8, 9 ay ganito ang sabi: SINABI NI JESUS SA MGA KATULONG, “PUNUIN NINYO NG TUBIG ANG MGA TAPAYAN,” AT PINUNO NGA NILA HANGGANG SA LABI, PAGKATAPOS, SINABI NIYA, “SUMALOK KAYO NGAYON AT DALHIN NINYO SA NAMAMAHALA NG HANDAAN.” DINALHAN NGA NILA ANG NAMAMA-HALANG HANDAAN, TINIKMAN NAMAN NITO ANG TUBIG NA NAGING ALAK. HINDI NIYA ALAM KUNG SAAN NANGGALING IYON. BAGAMAT ALAM NG MGA KATULONG NA SUMALOK NG TUBIG KAYA’T TINAWAG NIYA ANG LALAKING IKINASAL.        
          Sa tagong karunungan naman ay ganito ang kuwento. Sa panahong yaon ay may isang kasalang nangyayari sa lugar na tinatawag na Cana, ang ikinasal ay nagmumula sa mga mayamang pamilya ng mga Judio ang babaeng ikinasal at isang opisyal sa Romanong sundalo ang lalaki. Sila’y ikinasal sa isang engrandeng kasalan kaya maraming kumbidadong mga mararangal na mga panauhin at mga kaibigan kasama na nito si Jesus at ang kanyang pamilya. Sa subrang dami ng mga taong dumalo, naubusan ito ng alak, at dahil kalagitnaan pa lamang ng salo-salo ay naubusan na ito, naisip ni Jesus gumawa. ABANGAN! ! !
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Create Yours @ NackVision.com
 
ISAIAH 37:32
For out of Jerusalem shall go forth a remnant, and out of Mount Zion survivors. The Zeal of the LORD of hosts shall perform this
 

Get your own Chat Box! Go Large!
 
SMART SUBSCRIBERS +639212939975
+63920871113

TOUCH MOBILE SUBSCRIBERS
+639068873280

GLOBE SUBSCRIBERS
+639274953023

look for Bro.DODONG, Bro. EDUARD, Bro. LANDO

This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free