Apocalypse International Ministry SEC Reg. No. NOCN200727911  
 
  2nd serye 04/27/2024 4:08pm (UTC)
   
 
BIBLE COMMENTARY
Ni Dodong Baguiz
 
Ang Dalawang Karunungan ng Diyos
(Ika-Pangalawang Labas)
 
          Sa nakaraang labas ay tinutukoy ang kalagayan at tirahan ng Diyos noong wala pa ang mundo at ang lahat na mga bagay, kasaysayang naglathala sa pamamagitan ng kwentong balot sa mga mesteryong hindi naitala sa Biblia. Bagamat ibinulgar dito ang mga pinakatago na mga bagay, seguro dahil para sa isang katuparang nakasaad sa hayag na karunungan nakasulat sa biblia na sang-ayon pa ay ganito ang sinabi ng ating Panginoon Jesucristo sa Lucas 12:2 at 3; "WALANG NATAGO NA DI MALANTAD, AT WALANG NALILIHIM NA DI MABUBUNYAG ANUMANG SABIHIN NINYO SA DILIM AY MARIRINIG SA LIWANAG AT ANUMANG IBULONG NINYO SA MGA SILID AY IPAGSIGAWAN" kaya ito na ang tukmang panahon upang ang mga bagay na sadyang itinatago sa sobrang tagal at pinaghirapang maipreserba ang mga ito sa hindi mabibilang na mga panahon ay ibubunyag nang makamtan ang mga matiwasay na pananampalataya sa tunay na Panginoon mula sa tunay din na mga tauhan Nito.
          Ang liwanag na walang simula at walang hanggan na tinutukoy noong nakaraang labas ay siyang kalagayan ng Diyos at Siya na rin ang Diyos. Sang-ayon pa sa tagong pangalan, ang Diyos ay mayroong mil uno (1,001) na mga pangalang nailantad na sa tao. Ang pinakauna Niyang pangalan "AINSOPH" ito ay nangangahulugang; "BUGTONG LIWANAG NA NAROON SA KATAAS-TAASANG BAHAGI NG WALANG KATAPUSAN AT WALANG HANGGAN." Kaya sabi ng tagong karunungan ay mapalad ang sino mang nakaalam sa pangalang yaan dahil hindi siya maghirap sa kabilang buhay.
          Nag-iisa palang ang Diyos noong panahon iyon, at dahil sa pag-iisa nadarama ng Diyos ang masidhing pangungulila, kahungkagan at sobrang kalungkutan, kaya Siya'y napabuntong hininga ng malalim kasabay ang salitang "JUAAHAHUJAI," (ito rin ang winika ng Diyos ng bigyan Niya ng hininga si Adan) at doon nagsimula ang kanyang pag-iisip na gumawa ng mga bagay tulad ng araw, buwan mga bituin, mundo at mga tao, etc., upang ang mga ito ay kanyang paglilibangan. Subalit bago pa man ang lahat, ang Diyos ay gumagawa ng 72 na mga banal na espirito (sa tagong karunungan ay tinatawag na 72 dibosyon ng mga esperito) upang ang mga ito ay magiging kaantabay sa mga paggawa sa mga bagay ng naiisip Niyang gagawin.
          Sa pagsimula ng Diyos ng kanyang mga gawain, ang tinutukoy na liwanag na walang simula at walang hanggan ay kanyang pinaliit, dahan-dahan itong lumiit hanggang ito'y naging bilog, na sang-ayon pa, parang sumbalilo ito kung tingnan mo sa malayo. At sa ilang sandali lamang, may pumunit sa dalawang hugis at sa unti-unti itong nagiging mga mata na nagliliyab sa isang pambihirang magkakaibang uri ng liwanag. Sumulpot at nagkaroon ng dalawang butas sa bandang baba na siyang maging ilog nito. Tumubo ang dalawang bahagi sa magkabilang tagiliran at nagkaroon din ng mga butas ang mga ito upang maging tainga nito. Gumuhit sa bandang ibaba kunti sa ilog at ito'y naging bibig, at sa ganoong pagkakataon, ang bilog ng gaya ng bolang liwanag ay dahan-dahang dumaloy tulad ng tulo ng kandila na tumulo paibaba at siyang sanhi na magkaroon ng leeg, katawan, dalawang kamay at dalawang paa. Dito ang bolang liwanag ay nagiging porma at hitsura ng tao.
          Sa pagkakataong ito, ang liwanag ay tao na kung iyong tingnan at Siya'y pinangalanang ANIMA SULA sa ating salita ay "Nag-iisang esperito o nag-iisang kaluluwa", at ito ang pangalawang pangalan ng Diyos na nalantad sa tao. Sang-ayon sa tagong karunungan, dito nagsimula ang pagiging tao ang hitsura ng Diyos.
          Sa ilang sandali pa'y matapos ang mga ganoong mga pangyayari, ang Diyos ay nag-iisip sa mga bagay na dapat gampanan upang marating ang kanyang mga planong gagawin, may biglang umusbong sa kanyang noo ang limang talulut ng bulaklak na sa bawat dulo nito ay mayroong titik na sang-ayon pa sa kasaysayang tago ay ganito: M.A.R.I.A. ang limang litrang ito ay mayroong matayog na kahulugan sa mga esperito. ABANGAN! ! !
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Create Yours @ NackVision.com
 
ISAIAH 37:32
For out of Jerusalem shall go forth a remnant, and out of Mount Zion survivors. The Zeal of the LORD of hosts shall perform this
 

Get your own Chat Box! Go Large!
 
SMART SUBSCRIBERS +639212939975
+63920871113

TOUCH MOBILE SUBSCRIBERS
+639068873280

GLOBE SUBSCRIBERS
+639274953023

look for Bro.DODONG, Bro. EDUARD, Bro. LANDO

This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free